X

Ang LAHUMANITAT.CAT ay isang masining at pampulitika, kasiya-siya at wasto, napapabilang at pamanggit na proyekto. Ito ay matatanaw at pinapatnubayan ng panukalang tunog sa daigdig mula sa Catalonia. Isang karanasan ng karunungan at pagkikilala. Isang paanyaya na tumatawag sa mga tao sa lahat na uri ng kalagayan at pag-iisip. Ito ay pagsasanay sa direktang kilos. Isang dokumento na pumapanig sa lahat na mga wika at lahat na mga lugar at lahat na mga tao na gustong makilahok. Ito ay isang proyektong hindi nakilala nguni’t may mga may-akda at mga aktor, sistematiko nguni’t walang pili at tiyak na layunin, isang palansak na proyekto mula sa ispisipikong mga indibidwal, di-gumagalaw nguni’t malihis, na walang simula o katapusan…

Sa loob ng dalawang taon, humihiling ako sa aking mga kaibigan, at mga kaibigan ng mga kaibigan, na gumawa sila ng dalawang bidyo sa kanilang mobile na mga telepono ng 30 segundo ang bawa’t isa at sa pahalang na katayuan: isa sa lupa na kung saan sila nakatayo at naglalakad, at ang isa sa kung ano ang nasa kanilang bandang ulohan, gayunman naglalakad sa parehong lugar. Palaging sa nakapahalang na katayuan. At pagkatapos niyon, ipapadala nila sa akin. Ang mga bidyong iyon ay ang mga baguhang materyal ng LAHUMANITAT.CAT Ang resulta ng gawang iyon ay koleksyon ng nagsasanib na mga imahe, na magpapatuloy nang walang pagpapatuloy, markahan ang mataas at mababang limitasyon ng isang tao na naglalakad sa kalatagan ng planeta sa isang minuto ng kanyang buhay, at ibabahagi ito.

Ikaw ay manonood ng mga bidyo sa higit ng 30 mga bansa, sa ngayon. Ang iba’t-ibang kahabaan ng mga bidyo at ang sapalaran na sopwer ng kompyuter ay magpapagalaw niyon upang ang lupa ng isa ay nasa itaas na bahagi ng iba, marahil nasa libu-libong kilometro ang layo, at kabaligtaran. Dahil ang indayog at ang kaayusan ng mga bidyo ay nakakondisyon sa sopwer ng kompyuter na nagpapakita ng mga iyon nang sapalaran.

Kasama sa mga bidyo na ito, makakarinig ka ng mga awdyo na sarili kong ginawa kasama ang mga tunog, musika, mga wika, mga ingay, mga pagpapaliwanag, mga puna, atbp., mula sa buong planeta, o kahit na sa malaking bahagi niyon. Gayundin, sapalarang abandonado.

Ang sangkatauhan ay nakita na isang higanteng di-mapalagay na punso. Anumang bagay at lahat ng bagay ay tumutugma, gumagalaw. Ang gitna ay sa lahat ng dako.

Kung nais mong lumahok, gumawa ka lang ng dalawang magkahiwalay na bidyo sa iyong mobile na telepono sa nakapahalang na katayuan sa napiling lugar, at ipadala sa akin sa sumusunod na mga adres:

hola@lahumanitat.cat

Nang matanggap ko iyon, ito ay pagsasamahin lahat sa LAHUMANITAT.CAT

At salamat sa iyong pakikipagtulungan. Maraming salamat sa iyo kahit saan ka man.

Ferran Garcia Sevilla, Barcelona 2016